Climate Change, Nararanasan na sa Antartica
Dahil sa pagtaas ng global temperatures, ang ilang parte ng Antartic peninsula ay kasalukuyang binabago ng climate change dahil sa paglago ng algae doon o tinatawag na “green snow” na siyang inaasahan na magpapatuloy pa ang pagkalat nito sa buong rehiyon.
Nadiskubre ng mga mananaliksik ang higit na 1,600 magkakahiwalay na green algae na patuloy na lumalago sa buong peninsula.
Sa pinagsamang satellite imagery at on-the-ground na obserbasyon ng University of Cambridge at ng British Antartic Survey natukoy ang saklaw ng green algae sa tinatawag na world’s most barren continent.
Ayon kay Matt Davey mula sa Department of Plant Sciences ng Cambridge, marami sa atin aniya ang nag-iisip na ang Antartica ay binubuo lamang ng mga snow at penguins ngunit lingid sa ating kaalaman na maraming halaman din ang nabubuhay dito.
