top of page

Clinical Trial ng Avigan Drug, Uumpisahan na Ngayong Hulyo!


Photo for illustration purposes only.

Uumpisahan na ang clinical trial ng Avigan drug na posibleng lunas sa mga pasyenteng infected ng coronavirus disease simula ngayong pangalawa o pangatlong linggo ng Hulyo sa pakikipagtulungan ng Japanese government sa bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hinihintay na lamang ang clearance mula sa ethics committee ng kanilang ahensya at pagkatapos ay kukuha naman ng regulatory clearance mula sa Food and Drug Administration (FDA) upang maisagawa ang gagawing trial.

Mayroon nang tatlong ospital ang handang pagdarausan ng isang daang pasyente ng COVID-19 na sasailalim sa Japanese antiviral, kabilang na rito ang Sta. Ana Hospital, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital at Quirino Memorial Medical Center.

Samantala, tinatayang 330 COVID-19 patients sa bansa ang kasalukuyang bahagi ng solidarity trial ng World Health Organization (WHO) na tumutuklas ng potensiyal na lunas mula sa naturang sakit.

bottom of page