Clinical Trial ng Hydroxychloroquine para sa mga COVID Patients, Tinigil!

Ipinatigil ng World Health Organization ang clinical trial ng anti-malarial drug o hydroxychloroquine sa ilang COVID-19 patients na kasama sa ginagawang ‘solidarity trial’ ng WHO matapos ang mga naitalang safety concerns mula rito.
Ang ‘solidarity trial’ ng WHO ay isang global effort na may layong maghanap ng mabisang lunas para sa itinuturing na deadly viral illness na kasalukuyang umiiral sa buong mundo sa pamamagitan ng pagsubok sa iba’t ibang posibleng lunas sa sakit gaya ng remdemsivir, lopinar, ritonavir, at hydroxychloroquine.
Samantala, ayon kay Department of Health undersecretary Rosario Vergeire, anuman ang magiging resulta ng isinagawang trial ay hindi muna ito pwedeng ilabas at mananatili munang kumpidensyal sa kasalukuyan.
Dagdag pa ni Vergeire, tatapusin parin ang ginagawang treatment para sa mga COVID-19 patients na sumailalim sa nasabing clinical trial ngunit hindi na ito susundan pa.