Clinical Trial ng Lagundi, Aprubado ng FDA

Aprubado na ng Food and Drug Administration (FDA) ang clearance para sa clinical trials ng lagundi bilang adjunctive therapy ng Department of Science and Technology (DOST) laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay DOST Secretary Fortunato dela Peña, inaprubahan ng FDA ang isinumiteng aplikasyon ng kanilang ahensya at binigyan ng clearance upang isagawa ang clinical trials ng lagundi bilang adjunctive therapy para sa COVID-19.
Kasalukuyang nakikipagtulungan ang project team ng DOST sa Quezon Institue Quarantine Center, Sta. Ana Hospital at PNP-NCR Community Quarantine Center kung saan posibleng isagawa ang naturang pag-aaral.
Maliban sa adjunctive therapy, kamakailan ay inaprubahan na rin ng DOST-Philipine Council for Health Research and Development (PCHRD) ang lagundi bilang adjuvant therapy.