Clinical Trial ng 'Virgin Coconut Oil' o VCO, Nagsimula Na!

Sumailalim na ang ilang pasyente sa gagawin ng Department of Science and Technology (DOST) na clinical trial ng virgin coconut oil o VCO bilang agent laban sa COVID-19 sa Sta. Rosa Community Hospital sa Laguna.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato dela Pena, sa loob ng 28 na araw ay hahaluan ng VCO ang pagkain ng mga pasyenteng kasali sa trial at tatlong beses din silang kukunan ng dugo upang tignan kung mayroong mabuti o hindi magandang reaksyon ang VCO sa kanilang pangangatawan.

Sa kasalukuyang ang pananatili ng mga ilang pasyente sa nasabing ospital ay nakitaan na umano ng improvement matapos bigyan ng VCO treatment.

Matatandaang bukod sa VCO ay pinag-aaralan din ng DOST ang antiviral properties ng dahoon ng lagundi at tawa tawa.