Clinical Trial sa Bansa, Posibleng Magsimula na Ngayong Disyembre


Maaring simulan na ang clinical trial ng bansa sa darating na Disyembre ngayong taon matapos ang pahayag ng Department of Science and Technology (DOST) Philippine Council for Health Research Development.


Ayon sa isang panayam kay DOST Philippine Council for Health Research Development executive director Jaime Montoya, posibleng ianunsyo ng World Health Organization na isagawa sa Disyembre ang Solidarity Trial sa bansa, ngunit depende parin aniya ito sa desisyon ng mga eksperto at FDA.


Dagdag ni Montoya, mayroong limang kompanyang handang magsagawa ng clinical trial dito sa Pilipinas gaya ng Sinovac ng China, Janssen, Sputnik V ng Russia, Clover Biopharmaceuticals, at AstraZeneca maliban sa naturang Solidarity Trial ng WHO.