• Malou Manuel

Coach Jeff Perlas, Bagong Head Coach ng Lyceum Pirates


Topex Robinson (left) and Jeff Perlas (right). Photo from Facebook/Jeff Perlas.

Dahil si Coach Topex Robinson na ang interim coach ng Phoenix Super LPG Fuelmaster kung saan siya ang humalili kay Coach Louie Alas bawal na niyang pangunahan ang team niya sa NCAA ang Lyceum Pirates.

Upang hindi na manibago ang diskarte ng Lyceum sa takbo ng play ng team, mismong ang Assistant Coach ni Robinson ang siyang kinuha ng management na siya rin namang personal na rekomendasyon ni Coach Topex na si Asst. Coach Jeff Perlas.

Si Robinson ay mananatiling consultant ng Pirates at basketball operations director ng buong Lyceum system.

Sakaling magsimula na ang 96th season ng National Collegiate Athletic Association o NCAA Men's Basketball aasahan pa rin ng koponan ang kanilang mga beteranong players tulad nina Reymar Acaduyac, Renzo Navarro at Jayson David.

Nawala sa team ang magkapatid na kambal na sina Jayvee at Jaycee Marcelino na pinasok na ang PBA, Professional basketball league. Si Jayvee ay nabigyan ng isang taong kontrata sa Alaska Aces, habang si Jaycee naman nakalagay sa reserve list ng Phoenix.