• Estephany Rivera

Coachella, Stagecoach 2020 Music Festivals, Kanselado


Nilagdaan na ni Riverside County Public Health Officer Cameron Kaiser ang utos na nagkakansela sa pagdiriwang Coachella at Stagecoach music festivals 2020 dahil sa banta ng COVID-19.

‘Di na matutuloy ang Coachella 2020 at ang country music fest counterpart nito na Stagecoach 2020 na parehong dapat gaganapin sa Oktubre na inilipat mula sa naunang schedule nito sa Abril.

Sinabi ni Public Health Officer Cameron Kaiser na nakababahala raw ang tumataas na bilang ng COVID-19 cases sa Estados Unidos, dagdag pa sa inaasahang lalong pagdami ng sakit sa panahon ng taglagas.