Cold War Posibleng Ideklara ng China Laban sa Amerika
Matapos ang kabi-kabilang pamumuna ng United States sa China sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic, ipinahayag ni Chinese foreign minister Wang Yi na maaaring magdeklara ng Cold War ang kanilang bansa laban sa Estados Unidos.
Hindi espesipikong binanggit ni Wang ang mga dahilan ng pagkakaroon ng tensiyon ng dalawang makapangyarihang bansa pero matatandaang tahasang kinondena ni President Donald Trump ang mga inisyal na aksyong ginawa ng China noong 2019 bago ang paglaganap ng COVID-19 at ang security law na ipinatupad sa Hong Kong.
Dagdag pa ni Yang, bukod daw sa nakamamatay na virus na lumalaganap, mayroong umiiral na "political virus" sa US na nagbubunga ng maling mga alegasyon at pamumuna laban sa China.
