top of page

Colombian Man, Nakamit Muli ang Titulo ng ‘Shortest Man Alive’ Pagkatapos ng 10 taon

Hinirang muli ng Guinness World Records si Edward Niño Hernández bilang ‘shortest man alive’ na nakalalakad at nakagagalaw pagkatapos ng sampung (10) taon matapos itong maalisan ng titulo noong 2010.

Natalo si Hernàndez, na may tangkad na 2 feet 4.4 inches, ng dalawang Nepali national na sina Khagendra Thapa Magar na may laking 2 feet 2.4 inches at Chandra Bahadur Dangi na tumuntong lamang sa 1 foot 9.5 inches.

Pareho nang pumanaw ang dalawang Nepali national kaya naman muling nakuha ni Hernàndez ang kanyang pangalawang ‘shortest man’ na titulo.

Samantala, hawak naman ni Junrey Balawing mula sa Pilipinas ang ‘shortest non-mobile man’ title.



bottom of page