Colon Cancer Test Kits, Binahagi sa mga Kapulisan

Nasa 2,200 test kits para sa colorectal cancer (CRC) o colon cancer at polyps ang ibinahagi ng Philippine Society of Gastroenterology (PDG) sa Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PSG President Dr. Augusto Jose Galang, ang mga Fecal Immunochemical Test Kits, na mula sa Nagase Singapore, ay madali lamang gamitin.
I-dedetect umano ng mga test kits kung mayroon man bakas ng dugo sa stool sample ng isang tao.
Hinihikayat ng PSG na gamitin ito ng mga indibidwal na edad 50 pataas at iba pang mga tao na may kalapit na kamag-anak na nagkasakit ng CRC o iba pang sakit tulad ng Inflammatory Bowel Disease.
Isa ang CRC sa Top 3 na dahilan ng cancer sa mundo para sa parehong Kababaihan at Kalalakihan.