Commercial International Flights na Papasok ng Pilipinas, Suspendido
Sinuspinde ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga inbound commercial international flights papasok ng Pilipinas bilang pagsunod sa mungkahi ni National Task Force against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr.
Ayon sa Notice to Airmen (NOTAM) na inilabas ng CAAP, ang suspensyon na magtatagal ng isang lingo ay upang mapigil ang lalong pagkalat ng sakit at pagdami ng coronavirus disease (COVID-19) cases sa bansa.
Samantala, sinabi ng CAAP na ang mga cargo flights, medical flights, utility flights, maintenance and sweeper flights para sa mga dayuhang pabalik sa kanilang bansa ay hindi kabilang sa suspensiyon.
Nilinaw ni Galvez na ang bagong flight restriction ay pansamantala lamang upang makatulong sa pagbawas sa mga pasyente sa quarantine facilities at maalagaan ng maigi ang mga paparating na overseas Fiipino workers (OFW) na dadagdag sa nasa 20,000 OFWs na sumasailalim ngayon sa mandatory quarantine sa Metro Manila.
