top of page

Commuter Group, Suportado ang MECQ


Handang magsakripisyo ang hanay ng commuters sa pagbabalik ng Modified Enhance Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila.

Ito ang ipapakitang suporta ng Lawyers for Commuters Safety and Protection bilang tugon sa panawagan ng health workers na magkaroon ng dalawang linggong time out upang pag-aralang muli ang mga estratehiya ng paglaban kontra COVID-19.

Sinabi ni Atty. Ariel Inton, nauunawaan nilang pagod na ang health workers sa bansa dahil sa mabilis na paglobo ng bilang ng mga tinatamaan ng virus.

Bagamat mabigat para sa commuters na isailalim sa MECQ ang Metro Manila, paraan naman nila ito para bigyan ng espasyo ang panawagang dalawang linggong time out.

Sa ilalim ng MECQ, muling ipagbabawal ang lahat ng anumang public transport na bumiyahe sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, at Laguna.

Commuter group, suportado ang MECQ. --- By: Benedict Abaygar

bottom of page