top of page

Computerized Bar Exams, Tinitignang Posibilidad ng Supreme Court


Contributed Photo.

Binigyan na ng ‘go-signal’ ng Supreme Court (SC) si Associate Justice at 2020 Bar Chairman Marvic Leonen para isagawa ang pilot-testing at pag-aralan ang computerization ng Bar exams.

Ayon kay Leonen, pangungunahan niya raw ang isang proyekto na titingin sa iba’t-ibang digital platforms na pwedeng gamitin sa Bar exam computerization pilot-testing.

Sa kaniyang speech sa online oathtaking ng mga 2019 Bar passers, biro ni Leonon na makakahinga raw ng maluwag ang mga susunod na Bar takers dahil sa computerization lalo na’t marami sa mga justices ng SC ang pangit ang sulat-kamay.

Pinaalala din ng Bar chair sa mga passers na ang Bar ay isang qualifying examination lamang at ‘di nito sinusukat ang kakayahan ng isang abogado at ang halaga ng isang tao.

Ipinagpaliban naman ang 2020 Bar exams, na dapat sa apat na Linggo ng Nobyembre, sa 2021 dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

bottom of page