• Radyo Pilipino News Team

Congressman Charlie Cojuangco, Inilunsad ang Training para sa Oyster Mushroom at Spawn Making


Congr. Charlie Cojuangco is briefed by the Trainers of his Oyster Mushroom Production and Spawn Making Project

Inilunsad kamakailan ni Tarlac 1st District Congressman Charlie Cojuangco ang Training on Oyster Mushroom Production and Spawn Making. Katuwang dito sina Dr. Max Guillermo, President ng Tarlac Agriculture University, Ms. Judy Sorsano, Mushroom Grower and Trainer mula sa Tarlac Agriculture University, Dr. Agnes Perey at ang mga Municipal Agriculture Officers sa Unang Distrito ng Tarlac.


Layunin ng naturang proyekto na maturuan ang mga mamayan na magkaroon ng kasanayan sa mushroom production.


Harvesting of Mushrooms.

Nais buhayin ni Congressman Charlie cojuangco ang Kahalagahan ng pagtatanim sa ating mga Bakuran upang magkaroon ng sapat na pagkain ang bawat mamayan. ang proyekto sa food production ay makakatulong na mapagtibay ang food security ng bawat pamilyang tarlackenyo.


Shown in the photo are Ms. Judy Sorsano, MAO George Payumo and Mushroom Beneficiaries

Dagdag pa ng mga experto, ang pagtatanim ng mga gulay, prutas at food production sa ating sariling bakuran ay magiging bahagi na ng ating 'new normal' dala ng COVID-19 Pandemic. Ang kabute ay mayaman sa anti-oxidant at mainam na pagkain dahil nakakatulong ito upang mapalakas ang immune system ng mga tao.

Nagpasalamat kay congressman Charlie Cojuangco ang mga dumalo sa training, dahil bukod sa magkakaroon sila ng sapat na pagkain, ay maari pa nila maging dagdag kabuhayan kapag napalago nila ang produksiyon ng kabute sa kanilang bakuran.

By: Mr. Robert Randolf “ RR” Moulic