• Estephany Rivera

Constellation ‘Ophiuchus’, Hindi Kasali sa Zodiac Signs Pagkaklaro ng NASA



Nilinaw ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) na hindi ito ginawa lamang o natuklasan ang napapabalitang bagong zodian sign na ‘Ophiuchus’.

Sa isang tweet, klinaro ng NASA na matagal nang natuklasan ng mga Babylonians ang Ophiuchus bilang 13th constellation ngunit huwag na itong isali sa zodiac signs upang sumakto ang 12 contellations sa 12 buwan ng taon.

Muling pinaalala ng NASA na mayroong malaking pagkakaiba ang Astronomy at Astrology at sinabing hindi itinuturing na ‘science’ ang Astrology.