top of page

Contact-free Alcohol Dispenser Naimbento ng isang Batang Pinoy


Contributed Photo.

Sa ating panahon kung saan mahalaga ang sanitation at proper hygiene, nakadiskubre ng pamamaraan ang isang Electronic and Communications Engineering student na si Angelo Casimiro upang makagawa ng hands-free alcohol dispenser gamit ang mga recycled materials.

Ipinahayag ni Angelo na naisipan niyang gawin ang proyektong ito sa kasagsagan ng lockdown upang idiin at ipakita na mahalaga ang pagpapanatili ng kalinisan sa panahon ng pakikibaka ng mundo so COVID-19.

Gawa sa mga materyales na makikita sa loob ng bahay ang kaniyang bersiyon ng alcohol dispenser, gaya ng lalagyan ng kape, lumang USB cables at mga plastic tubes.

Matatandaang kinilala sa Google Science Fair Philippines si Angelo dahil sa kaniyang in-sole footwear na nakakapag-charge ng mobile phone, at iba pang mga imbensyon gamit ang kaniyang malawak na imahinasyon, kaalaman sa siyensiya at mabutingting na mga kamay.

bottom of page