Contact Tracers sa Bansa, Umabot na ng Halos 50k Ayon sa DILG

Sa datos ng Department of Interior and Local Government (DILG) ay mayroon nang 46,338 coronavirus disease 2019 (COVID-19) contact tracers ang buong bansa kung saan malapit na nitong makamit ang target na 50k bago matapos taon.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang nararansang maliit na bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ay resulta ng pagpapalawak sa kapasidad ng contact tracers sa buong bansa kung saan mas napapabilis ang pagkilatis sa mga indibiwal na nagkaroon ng posibleng close contact sa pasyente o carrier ng naturang sakit.
Kaugnay nito, nakikipagtulungan na rin ang kalihim sa mga lokal na pamahalaan na magpadala ng mga contact tracers sa mga evacuation centers upang magpatupad ng minimum health protocols, mamigay ng face masks, alcohol, at tiyakin ang kalusugan ng mga bakwit.