• Tj Ovivir

Contact-Tracing App, Inilabas ng isang Philippine Technology Firm


Isang contact-tracing app para sa COVID-19 ang inimbento ng technology firm na MYEG Philippines Inc. na tinawag nilang MyEGuard.

Gamit ang biotechnology, mayroong "Health Awareness Scan" ang naturang application upang tingnan ang vitals at magkaroon ng diagnosis sa isang tao gamit ang paglalatag ng mga kinakailangang tanong.

Sabi ng kumpanya, magbibigay-impormasyon ang application na ito sa mga kinakailangang datos ng mga health workers sa iba't ibang sangay may kinalaman sa sitwasyon at kalagayan ng mga taong posibleng positibo sa COVID-19.

Sa pamamagitan ng QR code na mabibigay sa user pagkatpos ang registration, mas mapapadali ang pagkumpirma ng mga frontliners sa pagkakakilanlan at kalagayang pang-kalusugan ng isang indibidwal.

Gamit din ang feature nitong "Trace It!" at Bluetooth technology, malalaman ng isa kung mayroon siyang kalapit na positibo sa virus.