top of page

Contact Tracing App ng DOST, Sisimulan na!

Sisimulan na ang pilot-tesing ng Dubbed SafePass, isang contact tracing app ng Department of Science and Technology (DOST) para sa coronavirus disease 2019 na may kakayahang mangalap ng impormasyon ng mga magpopositibo at suspetsang kaso ng sakit.

Uumpisahan ang pilot-testing ng contact tracing app ng ahensya sa dalawang pangunahing pasilidad ng DOST.

Uunahin ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa Metro Manila at isusunod ang Advanced Device and Materials Testing Laboratory sa Taguig.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, malaking tulong ito lalo na’t kasalukuyang kailangan ng bansa ang epektibong contact tracing para sa mga posibleng positibong pasyente ng COVID-19.

Dagdag pa ng kalihim, mainam ito bilang paghahanda para sa “new normal” na magiging kalagayan ng mga tao matapos paluwagin ang mga quarantine restrictions sa iba’t ibang parte ng bansa.

bottom of page