top of page

Contactless Entry at Exit sa mga Expressway, Nais Ipatupad ng MPTC


Dahil patuloy na hinihikayat ng gobyerno ang cashless transactions, sinusuri ngayon ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ang pagpapatupad ng mandatory RFID-only policy sa lahat ng malalaking expressways sa bansa bago matapos ang taon.

Ayon kay Assistant Vice President for Branding & Communication ng MPTC Celeste Pia Alimmon, ang pagkakaroon ng "no contact entry and exit" sa NLEX, SCTEX, CAVITEX, C-5 Southlink, and CALAX ay makababawas sa tsansa na lumaganap ang corona virus disease.

Samantala, ipinahayag naman ni Easytrip Assistant Marketing Manager Trishia Garduno na ang mga Easytrip Stick-It-Yourself RFID o Radio Frequency Identification ay may kasamang positioning guide, user guide, at isang RFID card na may initial load na P500.

bottom of page