top of page

Container Vans, Ginawang Isolation Facilities sa Navotas City


Contributed Photo.

Tinatayang 30 container vans ang ginawang isolation facilities ng city government ng Navotas para sa mayroong mild symptoms at asymptomatic na pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod.

Bagama’t hindi pa sigurado si Navotas City Mayor Toby Tiangco kung magagamit ang ilang paaralan sa lungsod bilang isolation facility ay naisip nitong pakinabangan ang container vans bilang isa sa mga pasilidad na handang tumanggap ng COVID-19 patients.

Mayroong 120-bed capacity ang tatlumpung container vans ang naturang lungsod, karagdagang bilang ito sa kasalukuyang 210-bed capacity na isolation facilities sa Navotas High School at Navotas College.

Samantala, nakatakdang simulan ang konstruksyon ng itatayong gusali para sa mga pasyente ng COVID-19 ngayong Oktubre, ayon kay Irish Cubillan, head ng public information office ng Navotas City.

bottom of page