Corporate Tax Incentives, Makatutulong sa Pagpapataas ng Employment Rate sa Bansa

Inihayag ni Philippine Chamber of Commerce and Industry President Benedict Yujuico na makatutulong ang Corporate Recovery and Tax Incentves for Enterprises Act (CREATE) upang mapanatili ng iba't ubang kompanya ang mataas na employment rate.
Ang CREATE ay naglalayong bawasan ng 5% ang corporate income tax mula 30% patungong 25%.
Sinabi ni Yujuico na kung ang mga natipid na 5% sa buwis ay gagamitin upang mas makapagpanatili ng employment ang mga kompanya, at patuloy na paiikutin ang pera, magiging epektibong paraan ito upang maisauli ang naghihingalong ekonomiya ng bansa dahil sa COVID-19.