COVID-19 Drive-Thru Testing Center sa Maynila, Tuloy parin

Bagama’t isinailalim ang buong Metro Manila sa ilalim ng modified enhanced community quarantine sa loob ng dalawang linggo ay nagpapatuloy parin ang operasyon ng COVID-19 drive-thru testing ng city government ng Maynila.
Limitado man ang pinapayagang lumabas sa ilalim ng MECQ, maari paring mapakinabangan ang libreng drive-thru testing ng mga quarantine pass holders at mga otorisadong lumabas ng kani-kanilang tahanan.
Bukod sa COVID-19 drive-thru testing center na nakapuwesto sa Quirino Grandstand at Andres Bonifacio Monument ay bukas rin ang tatlong COVID-19 walk-in facilities kung saan matatagpuan sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC), Ospital ng Sampaloc, at Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH).
Nilinaw naman ni Manila Mayor Isko Moreno, residente man o hindi ay maaring mapakinabangan ang mga naturang testing facilities upang mapanatili ang seguridad at kaligtasan mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).