COVID-19 Emergency Loan Application, Inextend ng GSIS

Upang mas madami ang mga matulungang makabangon mula sa epekto ng COVID-19, napagpasiyahan ng Government Service Insurance System (GSIS) na i-extend ang deadline para sa emergency loan application hanggang August 12.
Ayon kay GSIS President and General Manager Rolando Macasaet, napagdesisyunan ito ng kagawaran upang mabigyan ng pagkakataon ang mga miyembro nito na senior citizens na, at may mga physical disabilities.
Dadag pa niya, inaasahan ng GSIS ang nasa mahigit 1.3 million na miyembro ang mabibigyang benepisyo ng emergency loan na ito na may P43 billion na budget.
Mula sa P20,000, magiging P40,000 ang loanable amount na ipapamahagi ng GSIS, at maaari itong makuha kahit pa may mga nakaraang loan ang isang miyembro na hindi pa nababayaran sa loob ng anim na buwan o higit pa.
Kailangan lamang ang tatlong requirements— ang isa ay dapat na active member at hindi on-leave of absence without pay, walang pending na kasong kriminal, at may sobrang P5,000 sa monthly income kapag naibawas na ang mga pangunahing gastusin.