• Admin

COVID-19 Positive sa Indonesia, Nagwala Matapos Sunduin ng mga Awtoridad

Isang kwarenta-anyos na Indonesian national ang di-umano'y nangyakap ng kaniyang mga kapit-bahay matapos tangkain ng isang grupo ng medical workers na sunduin ito dahil sa pagiging COVID-19 positive.

Ayon sa ulat, nagsimula itong magwala matapos mamataan na kinukuhanan siya ng video ng kaniyang mga kapit-bahay. Kaya naman sinubukan niyang akapin ang mga ito at pinagtangkaang hawahan sila.

Samantala, sinabi ng Deputy Mayor sa Tasikmalaya, West Java na sapilitang sinundo ang lalaki dahil tumanggi ito sa self-isolation.

Sa ngayon, patuloy na sinusuri ng mga awtoridad ang mga kapit-bahay ng lalaki na nagkaroon ng physical contact sa kaniya at nakasalamuha niya.



7 views