COVID-19 Serology Testing Centers, Muling Binuksan sa Maynila


Photo from Manila PIO

Matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses sa bansa ay muling binuksan at ipinagpapatuloy ang lahat ng operasyon drive-thru at walk-in COVID-19 serology testing centers sa lungsod ng Maynila simula noong ika-16 ng Nobyembre.


Opisyal nang balik-operasyon ang mga walk-in testing centers sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Justice Jose Abad Santos General Hospital, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Maynila, at maging ang drive-thu testing center sa Quirino Grandstand.


Kasabay nito ay patuloy parin ang paglulunsad ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa pangunguna ni Manila Mayor Isko Moreno ng libreng swab testing para sa lahat ng market vendors, empleyado ng mga hotels, mall workers, at mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan