top of page

COVID-19 Survivors sa Milan, Nagkakaroon ng Psychiatric Disorders Pagkatapos ng Medikasyon


Aerial View of Milan.

Higit kumulang sa kalahati ng mga COVID-19 patients na sumailalim sa treatment at gumaling ang nagkaroon ng psychiatric o mental disorders

.

Sa ginawang pag-aaral ng mga eksperto mula sa San Raffaele hospital sa Milan, Italy, sa pagitan ng 402 na mga pasyente sa pamamagitan ng mga propesyonal na pamamaraan, 28% ang nagkaroon ng post-traumatic stress disorder (PTSD), 31% ang naging kaso ng depression, 42% ang nagkaroon ng anxiety, 40% ang may insomnia at 20% ang natalang kaso ng obsessive-compulsive disorder (OCD).

Ayon sa pagsusuri na ito, 137 sa mga pasyenteng ito ay mga kababaihan at mas mataas naging malapit sila sa risk ng pagkakaroon ng psychiatric disorders kaysa sa 265 na mga kalalakihan na nakibahagi sa pag-aaral, ayon kay Dr. Mario Gennaro Mazza na nanguna dito.

Samantala, ang bagong kaliwanagan namang ito ay makadaragdag sa pagsusuri at patuluyang pag-aaral ng mga eksperto sa panganib na dulot ng COVID-19 sa psychological health ng mga pasyente.

bottom of page