COVID-19 Test Kits na Gawa ng UP, Handa na para sa Merkado

Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang COVID-19 test kits na binuo ng University of the Philippines (UP) matapos itong mareject noong Mayo dahil sa ‘minor defects'.
Sinabi ng FDA, na naabot ng test kits ang mahigpit na safety requirements at pwede na itong gamitin sa pagtetest ng new coronavirus.
Ayon kay Dr. Raul Destura, isa sa mga bumuo ng test kits, na mabibili na sa merkado ang pangalawang bersiyon ng GenAmplify COVID-19 RT-PCR kits.
Dagdag pa ni Destura na simula pa noong nagsimula ang COVID, nagtatrabaho na ang kaniyang team, sa tulong ng FDA, Department of Health (DOH), at Research Institute for Tropical Medicine (RITM), upang makagawa ng epektibo, ligtas, at murang test kits para sambayanang Pilipino.
Naglabas nanan ng pahayag sina Senate Health Committee Head Senator Bong Go na humihimok sa DOH na gamitin ang locally-made test kits.
Sa halagang P1,320, makabibili na ang Pinoy ng UP test kit na mas mura kumpara sa foreign test kits na mabibili sa halagang P8,000.