• Estephany Rivera

COVID-19 Testing Fee, Binabaan ng Halos Kalahati ng PhilHealth


Photo is for illustration purposes only.

Malayo sa dating P8,150 na presyo ng COVID-19 testing, binabaan na ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang presyo nito sa P3,409 pagkatapos mabatikos sa ‘di umano’y overpricing ng testing payment.

Sa ilalim ng bagong price matrix, babayaran ng PhilHealth ang P3,409 kung ang lahat ng serbisyo at test kits ay ibibigay ng testing laboratory.


Samantalang P2,077 hanggang P5,450 naman ang babayaran ng PhilHealth kung ang test kits ay donated.

Sinabi ni PhilHealth Spokesperson Shirley Domingo na bawas-presyo ay bunsod ng mas mataas na availability at affordability ng test kits sa merkado, at ng dumadaming bilang ng mga pasilidad na may kakayahang mangasiwa ng COVID-19 testing.