COVID-19 Testing Laboratory ng Bicol, Balik Operasyon na Bukas Matapos Masira ng Bagyong Ambo
Balik operasyon na simula bukas ang tanging COVID-19 testing laboratory sa Bicol region.
Ito'y matapos na masira ng nagdaang bagyong Ambo ang exhaust duct ng biosafety cabinet ng Bicol Regional Diagnostic and Reference Laboratory (BRDRL), dahilan para ihinto muna ang testing sa pamamagitan ng real time polymerase chain reaction (RT-PCR) ng mga samples galing sa mga positive, suspects at probable COVID-19 patients.
Sampung araw rin na hindi nakapag proseso ng mga samples ang laboratoryo kung kaya dinala muna sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang natirirang samples na nalikom sa BRDRL.
2013 pa raw ginagamit ang exhaust duct sa iba pang testing activities ng iba pang nakakahawang sakit bago pa man pumutok ang COVID-19 pandemic.
Importante rin ang papel nito para mapanatili ang negative pressure upang maisawan ang inactivation at extraction ng mga samples na pwedeng maglagay sa panganib sa mga personnels nito.
Samantala, inihayag rin ng Kagawaran na, maliban sa BRDRL malapit na rin umanong matapos ang accreditation ng GenXpert COVID-19 testing sa Bicol Medical Center sa lungsod ng Naga na sa ngayon ay nasa final stages na.
