• Tj Ovivir

COVID-19 Vaccine Mula sa University of Oxford, Isasapubliko ng nasa 'Cost Price'


Photo for illustration purposes only.

Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng University of Oxford, England sa AstraZeneca, magkakaroon ng bakuna kontra COVID-19 na magiging available globally ng nasa 'cost price' o murang halaga na 2.5 euros o $2.8 kada-unit.

Ayon sa director ng AstraZeneca na si Pascal Soriot, nais nilang maging accessible ito sa kahit kanino kaya't hindi na sila naglalayong magkaroon ng malaking kita sa pamamagitan ng vaccine na ito.

Inaasahan naman ng mga mananaliksik at manufacturer nito na matatapos ang pagsusuri at magiging available worldwide ang vaccine bago matapos ang taon.