COVID-19 Vaccine na Gawa sa mga Kompanya mula US at Germany, Nagbunga ng Positibong Resulta

Sa kabila ng mga nagsusulputang mga bakuna laban sa COVID-19, ang vaccine na kasalukuyang pinag-aaralan ng isang US pharmaceutical company na Pfizer at ng isang German biotechnology company na BioNTech ay nagresulta ng positibong mga epekto matapos itong suriin at isailalim sa trials.
Tinatawag na BNT162b1 ang vaccine na ito na kasalukuyang nasa 1/2 nang developed, na maganda at mataas ang immunization percentage nito ayon sa pag-aaral.
Sa pagsusuri ng mga researcher, natuklasan nilang lumikha ang vaccine ng mga antibodies upang labanan ang coronavirus sa katawan ng 45 participants, matapos makatanggap ng isang injection ang bawat isa sa loob ng 28 days.
Dahil ginawa ang pag-aaral gamit ang iba't ibang dosage ng vaccine, sinabi ng dalawang kumpanya na makatutulong ang premiliminary study na ito na malaman kung ano ang pinakamainam at pinakaswak na dose para sa BNT162b1.