top of page

COVID-19 Vaccine Trial, Sisimulan na ng Singapore Scientists sa Agosto


Photo is for illustration purposes only.

Habang patuloy na naghahanap ng lunas at bakuna ang iba't ibang bansa laban sa coronavirus, nagtagumpay naman ang mga scientist sa Singapore matapos maging epektibo ang isang bakuna sa mga daga, kaya naman sa Agosto, susubukan na sa tao ang vaccine na ito.

Galing ang vaccine sa isang kumpanya sa United States, ang Arcturus Therapeutics.

Napag-alamang gumagana ito gamit ang Messenger RNA (mRNA) technology, isang proseso kung saan nakakapag-produce ang gamot ng coronavirus proteins upang mas maging malakas ang immunity ng katawan laban dito.

Ipinahayag ni Ooi Eng Eong, Deputy Director ng Duke-NUS Medical School's emerging infectious disease program na binabalanse ng vaccine na ito ang immune response ng katawan dahil sa antibodies na kumakapit sa virus at nagbibigay-proteksiyon sa mga cells.

bottom of page