COVID Patient Timbog Matapos Magnakaw sa Loob Mismo ng Isolation Center

Timbog ang 42 anyos na lalaking COVID-19 patient sa loob mismo ng isolation center sa Cebu city matapos maaktuhan ito ng health worker na palabas umano sa loob ng storage room tangay ang ilang mga gamit.

Ayon kay Police Staff Sergeant Francel Buling ng Waterfront Police, may mga ilang reports silang natatanggap ng mga nawawalang gamit sa loob mismo ng pasilidad gaya ng Bluetooth speaker ng ibang pasyente.

Nang suriin ng mga otoridad ang loob ng kuwarto nito nahuli sa kanya ang ilang items sa loob ng storage room gaya ng printer at iba pa. Umabot naman sa higit kumulang na 8,000 halaga ng gamit ang nakulimbat ng suspect.

Dagdag ni Buling, planong sampahan ng pagnanakaw ang lalaking pasyente.