‘COVID Toes’ at Iba Pang Sintomas ng COVID, Nagsulputan
Umabot sa kalahati mula sa 500 pasyente ng Boston Dermatologist ang nasa kalahati ang nakararanas ng namumula at makating pamamaga ng mga daliri sa paa na ngayo’y tinatawag na ‘COVID toes’.
Ayon kay Boston Dermatologist Esther Freeman, karaniwang nakikita ang sintomas sa kamay at paa ng mga taong nagtagal sa labas ng bahay sa malamig na klima.
Naiulat din ang mga ‘di karaniwang sintomas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) tulad ng pagkawala ng pang-amoy, pagsusuka, diarrhea, at iba pang skin problems.
Pinayuhan naman ng American Academy of Dermatology ang publiko, kung nakararanas man ng COVID toes ay sumangguni muna sa pamamagitan ng isang telemedicine check sa kanilang doctor na siyang magpapasiya kung ano ang dapat gawin.
