Crime Rate sa Bansa, Bumaba sa Gitna ng Pandemya

Tinatayang 46.66% ang ibinaba ng crime rate sa bansa mula nang umusbong ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, lumilitaw na bumaba ang index crime volume ng bansa nang magsimulang ipatupad ang community quarantine sa ilang bahagi ng Pilipinas nitong Marso.
Mula sa 31,589 na kaso ng krimen noong nakaraang taon ay umabot na lamang hanggang 16,849 mula Marso hanggang Setyembre, taong kasalukuyan.
Kasabay ng pagbaba ng mga naitatalang kaso ng krimen ay pawang bumaba rin ang porsyento ng carnapping ng motor cars at vehicles, robbery, theft, physical injury, rape at murder, ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP).