CSC, Magsasagawa ng Online Job Fair


Magsasagawa ng limang araw na Online Job Fair ang Civil Service Commission (CSC) bilang bahagi ng pagdiriwang ng 120th Philippine Civil Service Anniversary simula ngayong September 14 hanggang 18.

Nitong Lunes, iaanunsyo ni CSC Commissioner Aileen Lizada na magkakaroon ng online job fair para sa tinatayang 720 job vacancies, kabilang na ang 76 government agencies na sisimulan sa ikatlong linggo ng Setyembre.

Ani Lizada, dahil extended ang deadline ng rehistrasyon ng ahensya para sa government agencies ay maaring magbukas pa ito ng karagdagang aplikasyon sakaling maraming humabol na aplikante hanggang September 10.

Para sa mga may nais mapakinabangan ang online job fair ng CSC, magtungo lamang sa kanilang official website para sa iba pang detalye.