• Estephany Rivera

CSC Written Exams, Kanselado Ngayong 2020


Hindi na matutuloy ang mga nakatakdang iba’t-ibang written career service examinations or CSE ngayong taon ng Civil Service Commission (CSC) dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Kasama sa mga kanseladong CSE ang pen-and-paper tests (PPT) para sa Fire Officer Examination, Penology Officer Examination, Basic Competency on Local Treasury Examination na dating nakatakda sa June 21; CSE-PPT (Professional and Sub professional Levels) sa August 9; at intermediate Competency on Local Treasury Examination, Pre Employment Test, Promotional Test, Ethics-Oriented Personality Test sa Oktubre 11.

Unang kinansela ng ahensya ang CSE-PPT noong March 15 pagkatapos magpatupad ng mahigpit na quarantine restrictions ang pamahalaan upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Halos 300,000 registrants ang tinatantiyang kukuha dapat ng March 15 CSE-PPT sa 66 iba’t-ibang lokasyon sa bansa.

Sa pahayag ng CSC Publications and Media Relations Division, sa 2021 na maisasagawa ang naudlot na Professional at Subprofessional CSE-PPT, at ilalabas na lamang ng ahensiya ang susunod schedule.


Sinabi naman ni CSC Chairperson Alicia dela Rosa-Bala na ang computer-assisted CSE na ang gagamitin ng ahensiya, na siyang isa sa mga modes ng CSE maliban sa PPT, simula ngayon.