top of page

Curfew, Ibinalik sa Maynila sa Ilalim ng GCQ


Kasabay ng pagkakalagay ng Maynila sa ilalim ng General community quarantine (GCQ) matapos ang dalawang linggong klasikipikasyon nito sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ay muling ipatutupad ang curfew sa naturang lungsod.

Nitong Lunes ay inilipat na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang aprubadong rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force sa panibagong klasipikayon kung saan mas maluwag ang restriksyon sa buong Metro Manila maging ang mga karatig-lugar gaya ng Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna.

Muli namang inimplementa ang curfew hours nitong Miyerkules sa buong lungsod simula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

Nilagdaan ni Manila City Mayor Isko Moreno ang City Ordinance No. 8658 kung saan nakapaloob ang otomatikong pagbabago ng curfew hours sakaling mailipat sa ibang klasipikasyon ng community quarantine ang isang lugar.

bottom of page