Curfew, Ipinatupad sa Melbourne, Australia Kontra COVID-19

Nagpatupad ng curfew ang pumapangalawa sa pinakamalaking lungsod sa buong Australia – ang Melbourne City matapos umabot sa lagpas isang daang libo ang naitalang kaso mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Mula alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga ay mahigpit na ipapataw ang curfew sa buong lungsod at magtatagal ito hanggang anim na linggo hangga’t hindi bumababa ang naitatalang kaso sa naturang lugar.
Bagamat nagpataw na ng mahigpit na lockdown ang buong lungsod ng Melbourne ay patuloy parin ang pagtaas ng kaso mula sa COVID-19 kaya naman mas pinalawig ng kanilang pamahalaan ang pagpapatupad ng mga polisiya upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Kabilang sa kanilang panibagong polisiya ay ang overnight curfew at kauna-unahang pagbabawal sa kasal ngayong panahon ng pandemya.
Samantala, ang capital ng Melbourne na Victoria ay isinailalim sa “state of disaster” at posibleng mas humigpit pa ang quarantine restrictions dito.