top of page

DA, Nag-isyu ng Temporary Ban sa Imported Poultry mula US

Nag-isyu ng temporary ban sa imported poultry products na galing sa Estados Unidos ang Department of Agriculture (DA) matapos magkaroon ng avian virus outbreak sa South Carolina. Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ang ban ay upang mapigilan ang pagpasok ng H7N3 highly pathogenic avian influenza o HPAI virus at upang maprotektahan ang publiko at lokal na poultry population sa bansa. Dagdag pa ni Dar na kukumpiskahin ng mga deployed DA veterinary quarantine officers ang kargamentong naglalaman ng poultry papasok ng Pilipinas. Ang mga poultry shipment lamang na mayroong SPS clearance na na-isyu bago April 15 ang papapasukin sa bansa, sa kondisyon na ang karne ay kinatay o naproseso bago ang avian virus outbreak sa America.




bottom of page