• Tj Ovivir

Dagdag-Allowance sa Swabbing Center Workers, Ikinasa ni Pangulong Duterte


Contributed Photo.

Ipinatupad ni Pangulong Duterte ang karagdagang allowance ng mga trabahador at boluntaryo sa mga COVID-19 swabbing centers at test result processing centers sa buong bansa.

Bukod sa P500 na dagdag-allowance araw-araw, magkakaroon ng pagtaas ng monthly basic salary (MBS) hanggang 25% ang matatanggap ng mga empleyado sa ilalim ng Administrative Order 31 na nilagdaan noong June 15.

Nakabase ang 25% na MBS increase sa bilang ng araw kung kailan nagtrabaho ang isang empelyado sa kabuuan ng quarantine period sa lugar.