top of page

Dagdag Life Insurance Coverage sa Mahigit 27,000 Government Frontliners, Idineklara ng GSIS

Bilang pagpupugay sa pagsugal ng kanilang sariling buhay upang labanan ang COVID-19 sa ating bansa, inanunsiyo ng Government Service Insurance System (GSIS) na bibigyan ng karagdagang life insurance coverage ang 27,682 government frontliners. Sa panayam kay GSIS President at General Manager Rolando Ledesma Macasaet, kamakailan lamang naaprubahan ng ahensiya ang pagtatatag ng Bayanihan Fund for Frontliners o BFF na magbibigay ng P500,000 sa pamilya ng mga government fronliners na namatay sa COVID-19. Dagdag ni Macasaet na ang BFF ay iba pa sa one-million-peso death benefit na ibibigay ng pamahalaan sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Law at regular na life insurance benefit mula sa GSIS.



bottom of page