• Estephany Rivera

Dalagitang Uminom ng Dalawang Milk Tea Kada Araw sa Loob ng Isang Buwan, Na-comatose


Photo from australscope.

Idineklara ng mga doktor na nasa diabetic comatose ang isang 18-anyos na dalagita mula sa Shanghai, China pagkatapos itong uminom ng dalawang milk tea kada araw sa loob ng isang buwan.

Ayon kay Ruijin Hospital Emergency Department Medic Lu Yiming, hyperglycemia o ang pagkakaroon ng delikadong high levels ng blood sugar ang dahilan ng pagka-coma ng dalaga.

Sinabi ng pamilya ng 18-anyos na isang linggo bago nawalan ng malay ang dalaga ay nakararanas na ito ng mga sintomas ng diabetic ketoacidosis (DKA) tulad ng matinding uhaw, pagkahilo, at ang madalas na pag-ihi.

Nagising din ang dalaga pagkatapos ng limang araw at nakalabas na ito ng ospital noong Hunyo 1 kung saan nabawasan ito ng 35 kilograms.

0 views