Dalawa sa Limang Pinoy, Sobra ang Timbang at Obese, Ayon sa DOST

Sa nagdaang Obesity Awareness Online Forum, idineklara ng Department of Science and Technology (DOST) - Eighth National Nutrition Survey of the Food and Nutrition Research Institute (FNRI) na lagpas 37% o dalawa sa limang Pilipinong, nasa tamang edad, ang overweight at obese.
Ikinababahala ng FNRI ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na obese at binalaan ang mga napapaloob rito sa malaking risk ng pagkakuha ng non-communicable diseases tulad ng diabetes, sakit sa puso, at kanser.
Ayon sa survey, dahil umano sa quarantine protocols na nagpapanatili sa mga pamilya sa kani-kanilang mga tahanan, mas marami ng mga Pinoy ang napapakain ng ‘junk foods’ at nababawasan ang ehersisyo.
Hinihikayat naman ng National Nutrition Council ang mga kumpaniya, ahensiya, at organisasyon na magsulong ng healthy lifestyle program para sa mga empleyado at kanilang mga pamilya.