top of page

Dalawang Fil-Am Writers, Umani ng Parangal sa 2020 Massachusetts Book Awards


Grace Talusan. Photo from Alonso Nichols.

Humakot ng parangal ang akda ng dalawang Filipino-American authors na sina Grace Talusan at Oliver de la Paz sa idinaos na 2020 Massachusetts Book Awards ng Massachusetts Center for the Book.

Nagwagi si Talusan ng Nonfiction Award para sa kanyang akdang ‘The Body Papers’ na tungkol sa kaniyang buhay bilang isang Filipino migrante pati na rin ang kaniyang kpakikipaglaban sa childhood abuse, depresyon, at kanser.

Ayon sa Pinay, ang pagbabasa at pagsusulat raw ang kaniyang naging paraan ng pagproseso sa kaniyang mga karanasan at kung paano ito malapagpasan.


Oliver de la Paz. Photo from Alonso Nichols.

Samantalang isa naman ni De la Paz sa mga pinarangalan ng Poetry Honors para sa kaniyang librong ‘The Boy in the Labyrinth’ na isang koleksyon ng mga tula, katanungan, at tests na tumatalakay sa kwento ng dalawang anak na kabilang sa autism spectrum.

Ipinarating ni Massachusetts Center for the Book Executive Director Sharon Shaloo ang kaniyang pagkagalak na itanghal ang mga libro ng dalawang Pinoy.

bottom of page