• Tj Ovivir

Dalawang Libong Call Center Agents, Kakailanganin ng isang Singaporean BPO Company


Upang mas mapaigting ang kanilang operasyon sa bansa, partikular na sa Maynila, naghahanap ang isang Business Process Outsourcing (BPO) Company sa Singapore ng nasa dalawang libong Pinoy na nais magtrabaho mula sa kanilang tahanan bilang mga call center agents.

Ayon sa Everise Holdings Inc., bukod sa pagpapalawak ng kanilang mga customer, makapagbibigay din ito ng oportunidad sa maraming Pilipino na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 na kumayod muli at maghanap-buhay.

Una nang binanggit ni Department of Labor ang Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello na maaaring magkaroon ng mahigit 6,000 na job offerings mula sa BPO companies dahil sa pandemic.