Dalawang Pinoy Patay, Ilan pa Sugatan sa Naganap na Pagsabog sa Beirut, Lebanon

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawa ang Pilipinong nasawi sa pagsabog na yumanig sa Port of Beirut, Lebanon ngayong araw.
Sinabi ng Philippine Embassy sa Beirut na anim na Pinoy ang sugatan samantalang labing-isa naman na overseas Filipino workers (OFWs) ang patuloy pa ring hinahanap.
Ayon sa DFA, nasa loob umano ng bahay ng kanilang mga employers ang mga OFW na pumanaw ng maganap ang pagsabog.
Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na gagawin ng gobyerno ang lahat upang maiuwi ang mga Pilipino na gusto ng umalis sa nasabing bansa.
Ipinahayag din ng DFA na nakikipag-ugnayan na sila sa Filipino community sa Lebanon upang makapagbigay tulong sa mga apektadong OFWs.
Ayon kay Lebanon Prime Minister Hassan Diab, ang pagsabog na pumatay sa nasa 78 at naka-injure sa libu-libo ay dulot ng 2,750 toneladang ammonum nitrate, isang kemikal na ginagamit sa fertilizers at bomba, ang naimbak nang walang safety measures.