• Estephany Rivera

Dalawang Pinoy, Patay sa Isang Pagsabog sa Abu Dhabi, UAE


Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawang Pinoy ang nasawi sa pagsabog sa isang restaurant sa Sheik Rashid Road (kilala din bilang Airport Rd.) Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Ayon sa imbestigasyon, gas umano ang dahilan ng pagsabog sa nasabing restaurant.

Nakipag-ugnayan naman si Philippine Ambassador to UAE Hjayceelyn Quintana sa pamilya ng mga pumanaw at sinabing patuloy pang nakikipagtulungan ang ahensiya sa mga UAE authorities upang matukoy kung meron pang Pinoy na nasugatan sa insidente.

Samantala, maliban sa dalawang Pilipinong pumanaw, mayroon pang dalawang naitalang patay sa pagsabog.

Sa kabilang banda, mayroon ring pagsabog na naganap sa isang restaurant sa Dubai kung saan isa ang nasawi.

Pinayuhan naman ni Quintana ang mga Pinoy na laging mag-ingat at sumunod sa security at safety protocols ng pamahalaan ng bansang tinitirahan.